The Battle of TV Networks

Saturday, May 21, 2011

BLINDITEM: TV5 Star buntis kaya nagtatago sa Amerika!


BLIND ITEM: NAKO, sino itong young actress na buntis daw? Pero bago pa lumobo ang tiyan (ewan namin kung nakaalis na o nandito pa, ha?) ay nakatakda nang lumipad patungong US kung saan titira muna siya hanggang sa makapanganak sa daddy niya.
Sabi nga namin sa aming source, ba’t kailangang itago eh, lalabas din naman ‘yan balang-araw? Mas magandang aminin na ngayon at tiyak na hahanga pa sa kanya ang mga tao.
Ginawa mo, eh ‘di panindigan mo, ‘di ba? Teka, sino ba ang dyowa nito ngayon? Sana, panindigan ng lalaki ang kanyang ginawa. It’s a blessing, kaya ‘wag ikalungkot.
Meron nga kaming kilalang aktres, nagbuntis hanggang sa makapa-nganak, hindi pa rin niya maamin sa mga reporter na siya’y nanay na, kaya hindi niya tuloy ma-enjoy ang kanyang pagiging ina.
Kaya ‘wag na kayong manghi-hingi ng clue kung sino ito, dahil in fairness, gusto namin ang PR ng batang ito. Mukhang prinsesa, pero very down-to-earth.
SOURCE: OGIE DIAZ (PINOY PARAZZI)
BLINDITEM BUKINGAN ONLINE: Ang aktres na ito ay taga-TV5. ang clue ni Ogie ay nasa huling parte ng kanyang sinulat. First name yun ng aktres. At ang second name ay itanong niyo na lang kay Ryan Agoncillo baka alam niya e.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

:: FOLLOWERS ::